Epiko ng Pag-asa
Sa malayong silangan, sa gawi ng karagatan ng walang hanggan ay nakapalagay ang misteryosong kaharian ng Nipas Ilip. Dahil sa hiwagang bumabalot sa kaharian, marami na ang sinubukang puntahan ito ngunit hindi nakayanan kaya't napakaswerte ng mga manlalakbay na makayanan na makapunta sa mahiwagang kaharian. Ngunit ang lahat ng paghihirap upang masilayan ang Nipas Ilip ay di-maisasawalang bahala dahil tunay nga itong perlas na naningningan ang lahat. Ang kahariang ito ay puno ng kayamanan na kung baga ito na ang nagmistulang bagong Eden. Pati na rin ang mga naninirahan rito ay puno ng kulay kaya't ganun na lamang ang bulung-b